Powered By Blogger

Saturday, March 7, 2009

Ang babaeng UNA sa lahat

Nakakakungkot isipin ngayon na marami ang hindi nakakakilala kay Dr. Fe del mundo. kahit na yung mga taong nasa propesyon na katulad nya. alam nyo ba na iniidolo ko to noon pa mang bata pa ako at nasa elementarya pa lang, hinangaan ko na agad ang kanyang aking galing, ang husay hindi sa pagiging ano pa man kundi dahil siya ang natatangi para sa kin. Alam nyo ba na siya ang gumawa o nakaimbento nang incubator na ginamit noon para sa mga bata na kulang sa buwan, kaya nga dahil sa kanyang kontribusyon sa ating bansa marami nang parangal na nakuha si doktora fe hindi lang dito kundi pati na rin sa labas ng ating bansa. Ngayon sya ay mahigit 97 na taon na at nabubuhay ng malakas at malinaw ang paiisip. Malakas pa din ang kanyang pangangatawan, puso at damdamin. Wala na siguro ang makakahigit sa mga parangal na natamo ni Dr. Fe del Mundo. Animoy panaginip sa akin nang makita at makausap ko sya ng harapan "the living legend" na sya para sa akin. Taas ng respeto ko at paghanga sa kanya, para siyang isang santo na nabubuhay sa kapanahunan ko, isang bayani na buhay at totoo. Saludo ako sa kanya dahil sya ang babaeng maraming nakuhang una. Ilove Dr. Fe del Mundo and god realy loves her.

Pages