Powered By Blogger

Wednesday, September 22, 2010

Dear Nanay at Tatay

Sana sa pag basa nyo ng sulat na ito ay nasa mabuti kayong kalagayan at kung ako naman ang tatanungin nyo ay maayos naman ako sa aking kinalalagyan.
(ito ang madalas na laman na sulat nila pagsumusulat sa amin)

kamusta na po kayo, ako ito ok naman malusog at kahit papano ay masaya, gusto kung magpasalamat sa inyo dahil binigyan nyo ako ng buhay pinalaki at iginapang ang aking pagaaral. ito ko man kayo mapagmalaki bilang isang perpektong magulang maiisisigaw ko naman na maswerte ako at kayo ang aking naging ama at ina, wala man tayong perpektong pamilya pero pinipilit parin natin maging perpekto sa mata ng mga taong maopanghusga. Hindi ako perpektong anak, hindi ako perpektong tao pero pinapakita ko sa inyo na ang pagiging perpekto ay hindi lamang sa pagiging tao o pagiging anak pinapakita ko naperpekto ako dahil buo ang pagkatao ko ng mahalin at alagaan nyo ako,.

naalala kopa sa mga letrato na nakikita ko na kung pano kayo naging gabay sa aking paglalakad nakikita ko na kahit ngayong malaki na ako ay ginagabayan nyo parin ako sa bawat landas na aking tinatahak.. bilang anak nyo po hindi ko man magawang maging mabuti pero ipapakita ko na ang anak ay dapat may pagmamahal sa mga magulang..

tay, nay sa kabila ng pagiging matigas ng aking ulo ay hindi nyo parin ako pinababayaan..
tanda ko pa nung bata ako kung paano nyo kami pakainin tanda ko pa kung pano nyo kami mahalin.. pero may mga oras talaga na hindi nyo kayang ibigay sa amin, Nay hindi man ikaw ang unang nagturo sa akin ng ABAKADA hindi man ikaw ang unang nagturo sa akin na bumasa, hindi man ikaw ang unang nagturo sa akin ISULAT ang buong pangalan ko, hindi man ikaw ang unang nagturo sa akin humawak ng lapis pero nay ikaw naman ang unang nagturo sa amin kung paano isara at isarado ang aming mga kamay.. dahil sa itinuro mo natutunan naming panghawakan ang pagmamahal nyo at kailanman ay hindi namin pwedeng bitiwan..

Tay, tanda ko pa kung pano kayo kumayod para magkaroon kami ng makakain, ginampanan mo talaga ang pagiging haligi ng tahanan. hindi man ikaw ang nagturo sa aming maging matatag, hindi man ikaw ang nagturo sa aming maging matibay pero ikaw naman ang nagturo sa amin kung pano mahalin ang pamilyang meron tayo ngayon.

Tatay, Nanay, salamat sa lahat salamat at kayo ang naging magulang namin. dumating nga tayo sa punto na naghiwalay ang pamilya pero ito tayo buo at patuloy na lumalaban..


Sana sa Oras na dumating ang inyong dapit hapon, hayaan nyo ipinapangako ko na kung ano ang mga itinanim nyong turo sa amin ay ipapakita ko na may maganda kayong aanihin..

Kung dumating man ang inyong katandaan at hindi na makalakad hayaan nyo ako ang inyong magiging saklay at paa patungo sa inyong pupuntahan, ibabalik ko ang araw na tinuruan nyo akong maglakad..

kung dumating man ang oras na hindi na kayo makaaninag, hayaan nyo po ako ang inyong magiging mata upang ipakita ang ganda ng ating kapaligiran, gagayahin ko at ipadarama kung anong turo nyo sa amin nung kami ay sanggol palang..

Nay tay, ako ang inyong magiging kamay sa laht ng mga bagay na di nyo na kayang maabot.. NAy Tay kami naman po..


SALAMAT at MAHAL namin akayo di man namin masabi pero alam namin na ramdam nyo..tnx po..

Saturday, September 18, 2010

Ano ang salitang LOVE!!

Mahirap magmahal ng taong may minamahal na iba, alam mong bawal pero pinipilit mo pa din na mahalin sya, alam mo na kahit masasaktan ka ginagawa mo parin ang nararapat..Mali man sundin ang puso pero anong magagawa ko kung sya ang tinitibok nito.. di ko naman pedeng ipagbawal ang kanyang pagtibok dahil sa bwat pintig nito pangalan nya ang sinasambit.. mahirap nga ang nakaw na sandali pero masarap ang nakaw na sulyap sa bawat oras na nasa paligid sya..

My heart is beating, my blood is flowing to my vein carrying a name na kailanman ay di mapapasa akin.. LOVE LOST is also a LUST LOVE... madaming definition ang salitang pagibig ang salitang LOVE hindi mo pwedeng tuldukan hindi mo pwedeng tapusin.. LOVE is simply defined as a powerful words.. makapangyarihan ang pag-ibig sagrado ang bawat letrang bumubuo dito.. mahirap tibagin mahirap ipag-bawal.. kahit ilang baitang pa ng hagdan ang aakyatin at hahakbangan mo gagawin mo para mabuo ang salitang LOVE..

Maraming klase ng pag ibig.. may pag ibig na bawal meron namang legal merong masarap merong mapait at meron ding matamis.. ang LOVE ay maikukumpara natin sa ating panlasa depende sa luto depende kung paano mo nalasahan ang magmahal.. mapait, maasim o mapakla..

Kung bibigyan kita ng isang pares ng puso kanino mo ibibigay ang kabiyak nito.. Sa magulang mo, Kapatid mo, sa kaibigan mo o sa taong minamahal mo.. madaling pumili para sa mga taong bulag sa salitang LOVE madali para sa mga tao na puso ang ginagamit, pero napakahirap pumili para sa mga taong balanse kung gamitin ang PUSO at ISIPAN..

LOVE? mahirap ipaliwanag mahirap sagutin..
LOVE? naranasan mo na ba ang magmahal at mahalin..
LOVE? mamatay ka na di mo nabubuo ang kahulagan ng PAG IBIG..

LOVE can KILL!!!

SHOW me YOUR "X" the FINALS: hosted by: Paula Piodena

September 17, 201o idinaos ang isang matagumpay na singing contest of the year, Sa pangunguna nang EXCLUSIVE clan at sa pakikipagtulangan ng CENTER for POP MUSIC PHIL.

Ang nasabing patimpalak na ito ay binigyan ng paghahanda sa loob ng ilang buwan. pagod , pawis at pera ang tanging naging kontribusyon ng bwat isa. pibnakita din ng samahang EXCLUSIVE ang pagkakaisa at tulungan kung saan sila hinangaan ng iba pang "CLAN" sa buong metro manila.

Marami ang naganap nang gabing iyon marami ang nagbahagi ng kani-kanilang talento, ang mga kalahok sa singing contest ay kapwa magagaling dahil sila ang nakapasok sa TOP 20 out of 40 noong SEMI FINALS. ang mga naging hurado ay kapwa may pangalan sa larangan ng musika.
nung gabi din na yun ay ipinakita ng EXCLUSIVE ang mga ganda, talento at pagkakaisa, ipinakita nila ito sa harap ng mga CLAN na nagpartisipa sa nasabing okasyon.

Tinanghal na pangkalahatang kampyon si JASPHER SUAZO ng MADRIGAL BI BEAUTIES sa kanyang kantang I BELIEVE I CAN FLY. 2nd placer si REDMOND LAT ng HBOX NATION, 1st placer naman si JAMES SALAZAR ng ONE BACARDI.

Sa kabila nito ay lubos pong nagpapasalamat ang buong TATAK EKSLUSIBO sa mga taong tumulong sa aming event at lalo po kaming nagpapasalamat sa lahat ng participated clan sa METRO MANILA.


Marami pong SALAMAT sa unang taon ng SHOW ME YOUR X..

Pages