Powered By Blogger

Monday, April 30, 2012

Pano maibabalik ang Dati?

Kung ang panahon noon ay katulad ng sa ngayon siguro malakas parin at matapang ako kahit nasasaktan na ng todo. Pero bakit may mga taong sadyang darating sa buhay natin upang baguhin lahat ng nakasanayan mo may mga taong biglang magpapa alala sayo ng may parte ka rin ng sarili mo na mahina at marupok.

Dati ganto ako lahat ng mga bagay ng nangyayari sa akin masaya man yan o malungkot eh nasusulat ko dito sa BLOG ko. hindi kasi ako sanay na sabihin sa mga tao ang tunay kong nararamdaman, hindi ako sanay na umuiiyak sa harapan nila at nag mamakaawang kawaan din ako dahil sa aking kahinaang nararamdaman. patas nga talaga ang DYOS hindi lahat ng good karma ay iibigay sayo at hindi lahat ng bad karama ay ibibigay nya ng isang bagsakan. ang iba sa kanila ay unti unting ipaparamdam sayo upang ipa alala lahat ng kamaliaan at kasalanan na nagawa mo nung oras na hindi mo sya naaalala.

Parang gustong maupos na parang kandila, gusto kung matunaw na parang yelo upang di ko na maramdaman yung mga sakit na mararamdaman ko pa. Gusto kong maging bato ang puso ko para wala akong maramdamang sakit, pero ayoko namang maging manhid sa mga taong nasa paligid ko. Minsan nararanasan talaga natin ang mahalin tayo ng isang tao na ibibigay ang lahat pero hindi natin mabigay  ang kailangan nila. Pero darating ang panahon na maiibigay na natin ang lahat sa kanya pero sya hindi na kayang tanggapin kong ano ang maiibibigay mo pa.


Kahit ang sikat ng araw nagyon ay mainit ang pagsasama naman natin ay mas malamig pa sa yelo na nakapaloob sa isang malaking planta na pagawaan nito. Hindi ko laam kong ano ang mga huling kassalanan na nagwa ko at ganun na lang kabilis ang mga naging desisyon mo sa buhay. hindi ko alam kong ano pang mga plano ang binabalak mo para masaktan ako nang higit pa sa sakit na nararamdamn ko pag nasisigawan at napapagalitan ng mga magulang ko.

Natuto akong magisa sa buhay kasi naniniwala ako na may mga tao akong makikilala upang makasama. mahal ko ang pamilya ko kahit ano pa ang gawin nila sa akin pero may mga tao rin naman akong pinipili para mahalin ko.

Sa ngayon OO hindi ko kaya pero darating din ang panahon na makakaya ko to at darating din ang araw na makikita mo akong masaya sa harap  ng maraming tao makikita mo akong nakangiti ulit at maririnig mo ulit yung mga biro ko na pagtatawanana ng lahat. Ako Si kahel at ito Hindi ito ang buhay na kinalakhan ko.

Sunday, April 29, 2012

KENDI para sa BATABATUTA






Marami sa mg kabataan ngayon ang gumagamit ng gamot na tinatawag nating ECSTACY. ito ay isang uri ng ipinagbabawal na DROGA sa buong mundo. Maraming klase ang tawag nila dito, maraming kulay at hugis depende sa kompanya na gumagawa nito, walang kinalaman ang KULAY, HUGIS sa klase ng gamot na ito, ginawa lang nilang kawangis o katulad ng pangkaraniwang pills na mabibili sa mga botika. Pareho lang ng epekto ang mga gamot na ito, pareho lang ng sangkap ang nilalaman nito. Ito yung tinatawag natin na MDA and MDMA o 3,4- methylendioxymethamphetamine chemical composition.




Ayun sa pag aaral ko nung ako ay nasa kolehiyo ibat iba ang tawag nila dito may mga brand name din sila. 
 green apples, blue dolphins, mitsubishis, ferraris, calvin kleins, batmans, nikes, motorolas, angel dust, Bacardis, dolphins, doves, E, fantasy, McDonald’s, MDMA, Mitsubishis, pills, pink calis, playboys, pound signs, Rolexes, smurfs, tweety pies, white lightning, purple keys isa lamang yan sa mga kilalang pills o ecstasy na nagkalat sa bansa natin. Sa mga gumagamit nito ang epekto nila ay tamang TAWA. tamang EMO tamang Good Vibes at Bad VIbes, pero iisa lang naman ang epekto nito patuloy nitong sisirain ang ating kaiisipan at katawan hanggang sa malulong at maging ADIK na tayo sa gamot na ito.




Dehydration isa yan sa pangunahing epekto nito sa tao. walang magandang bagay ang nabibigay nito sa ating katawan lalo na sa ating UTAK. Marami akong mga kaibigan na nakausap hinggil sa klase o kung saan nila nabibili ang mga ipinagbabawal na gamot, kadalasan nagkakahalaga ito ng 1000Php pataas depende sa klase ng tama na gusto mo. May mga tao naman na sumusuporta sa gantong uri ng bisyo. Minsan ang temang ginagamit nila dito ay PARTY di ko na sasabihin kong bakit ito ang tawag nila.,may mga kakilala ako at tinanong ko sila kung ano ang nakukuha nla sa oras na gumamit sila nito, isa lang ang sagot nila WALA, wala silang napapala sa pag gamit ng mga drogang mahigpit na ipinagbabawal. wala nga namang magandang epekto ang lahat ng gamot na bawal, patuloy lang nitong sisirain ang ating buhay, patuloy lang nitong uubusin ang mga naipundar natin ang mga bagay na ating pinaghirapan.




Kalat na ang gantong uri ng bisyo sa pilipinas Marami akong kilalang malalaking tao na sumusuporta sa gantong uri na DROGA at yumaman sa gantong bisyo. ako kung gugustuhin kung yumaman  sa gantong paran ay magagwa ko sa pagkat alam namin ang bawat sangkap na inilalagay dito, pero hindi ko maatim na sirain ang buhay ng bawat kabataan at bawat pilipino na alam ko ay may pag asa pa na magbago. Marami akong kakilala na umalis o nagbago na. tinalikuran na nila ang gantong gawain, iwinaksi na nila nag gantong uri ng pamumuhay, uri na nabubuhay sa karangyaan at sa panandaliang kasiyahan.


"Hindi ito KENDI na nabibili sa tindahan, Lalo na Hindi ito gamot na solusyon sa ating masakit na ngipin. ito ay isang droga na hindi matatanggap kailanman ng ating LIPUNAN"






*ang pagkakaiba ng FONT ay aking sinadya upang hindi maihalintulad ng iba. ito ay aking opinyon at hango sa aking pananaliksik.






 











Saturday, April 28, 2012

October 4, 2010

Minsan talaga ang hanggan ng isang bagay ay dumarating ng di mo inaasahan, dumarating ng di mo nararamdaman. May mga bagay na kahit anong ingat ang gawiin mo at kahit anong pagpapahalaga ang iparamdam ay mawawala parin sayo. Walang bagay na tumatagal ng hindi mo hustong pinapahalagahan, walang simula na hindi dumarating sa katapusan. Sa bawat pagtatapos o pagwawakas ng isang kwento ay may isang simula rin na magbubukas mga bagong kabanata na aabangan at mga bagong karanasan na kapupulutan ng mga bagong aral sa buhay. Mag sisimula uliut sa maganda at magtatapos sa isang luha at pait.


Mararanasan natin ang mahalin at magmahal, mararanasan natin ang mga bagay na di na natin inaakalang magagawa natin. Darating ang araw na ngingiti tayo kahit nasasaktan na. Darating ang panahon at isang pagkakataon na masasaktan ng lubusan.

Hindi mo maikukubli ang bawat ngiti na may kasamang pait. Di mo maitatago ang pait na iyong nararamdaman sa tuwing masasaktan at nasasaktan ka. Wala kang magagawa sa mga pakiramdam na yan wala kang maitatago sa mga taong nag aalala sayo..


Pag nag mahal ka dapat handa kang tanggapin ang kapalit nito. pag nasaktan ka dapat alam mo ang kaakibat ng sakit na ito. Darating tayo sa punto na mapapagod at darating tayo sa sukdulan na nakakasawa rin ang magmahal. Pero hindi mo mapipigilan ang puso na magmahal hindi mo rin ito kayang pigilan upang hindi masaktan. Wala kang takas sa kapangyarihan ng pag-ibig. Masasaktan ka at masasaktan kapag nagmahal ka ng lubusan.

Pwede kang lumuha kahit ilang balde pa yan.. pwede kang sumigaw hanggang sa mapaos o mawalan ka nang bose na isisigaw, pero ang wag na wag mong gagawin ay bawiin o kitilin ang mahalaga mong buhay. Akala natin minsan pag nasaktan tayo Eh katapusan na, akala natin na pag lumuha tayo eh sapat na yun ang akala natin, dahil ang hindi natin alam umpisa pa lang yan ng magiging panibago mong pakikipagsapalaran.

Tanggapin na lang natin ang mga bagay na nangyayari dahil lahat ng iyan ay may magandang dahilan at ang lahat ng iyan ay mga magagandang bagay na ilalaan sa atin.

Tuesday, April 10, 2012

Dilim sa Liwanag

                                        Ang larawang Ito ay hindi ko pag mamay ari.


Napakahirap sigurong makagisnan na mula pagka bata at hanggang sa iyong pagtanda ay iisang kulay ng mundo ang iyong nakikita. Madilim na paligid, hindi mo alam ang kulay ng bahaghari, hindi mo maikumpara ang puti sa itim, kahit tunog ng paligid ay nagmimistulang itim sa iyong pakiramdam.

Napkahirap siguro ang maglakad sa gitna ng tirik na araw ramdam mo ang init ng paligid, ramdam mo ang nangangalit na liwanag pero sa kabila nito wala ka paring makita. Nangangapa ka parin sa isang napakalaking dilim.

Wlang maganda, panget sa iyong paningin, walang perpekto o walang kulang sa iyong mga nakikita at nararamdaman. walang kulay na maihahalintulad mo sa iyong kasiyahan, kahit bahaghari ay labis mong pinagtatakahan kong makulay nga ba?

Napakahirap mabuhay mag isa sa dilim dahil di mo alam kong nakikita mo ba talaga sya dahil kulay itim o nararamdaman mo sya dahil wala kang makita.

Napakahirap humarap sa gitna ng maraming tao. Di mo alam kung naaawa ba sila o kinukutya ka na pala.
Napakahirap gabayan ang sarili dahil wala kang guhit na sinusundan wala kang hugis na ginuguhit, wala kang tugtog na sasayawin, wala kang titik na aawitin.

Pero sa kabila ng iyong kakulangan sa paningin, mahal ka ng diyos dahil pinaramdam nya sayo amg maging isang mabuting tao. Di mo kasi nakikita ang kasamaan ng mundo, di mo nakikita ang patuloy na pag yabong at pagbaba ng EKONOMIYA, di mo nakikita ang matataas na tao di mo nakikita ang barong-barong na bahay, di mo nakikita ang paparaming karahasan sa paligid mo, hindi mo nakikita ang kasakiman ng mga taong gahaman sa kapangyarihan at naghahariharian sa katungkulan ng iilan. Mapald ka parin sa lahat dahil wala kang nakikitang kahirapan sa iyong paligid.

Mahal ka ng diyos dahil ginawa ka nyang kawangis nya, dahil kayang mong tanggapin ang lahat ng hirap at pasakit sa MUNDO.

Masarap Siguro ang maglakad sa dilim na LIWANAG.

Pages