Sunday, July 11, 2010
Tag - ulan
Marami sa atin ang may mga magagandang karanasan sa twing umuulan.. ngayon nga panahon na naman ng pinakamalamig at panakamalungkot na panahon sa ating bansa, ito ay ang tag ulan.. marami sa atin ang nakaranas ng di magagandang bagay twing umuulan.. andyan ang mga taong nakaranas ng pagbaha..nilubog ang iilang mga ari arian.. isa lamang siguro yan sa mga di magagandang karanasan na ating nararanasan twing sasapit ang TAG ULAN.. pero sa likod ng mga kalungkutang ito ay may magandang dulot naman ang pagulan sa atin.. ako sa twing umuulan marami akong na-aalalang mga bagay..mga bagay na parang LOVE story na gumuguhit sa aking malikot na kaisipan.. malamig na panahon na nanunuot sa aking mga kalamnan.. malamig na panahon na animo'y naghahanap tayo ng maiinit na katawan.. maiinit na bagay na dadampi sa ating nanlalamig na katawan.. sa twing sasapit ang TAG ULAN may mga bagay din ang nagbibigay sa akin ng kalungkutan..mga alaala na dulot ng ulan.. kasabay ng madilim na kapaligiran ay pumapasok din sa aking isipan ang mga panahon na aking naranasan sa gitna ng ulan.. naaalala natin ang mga bagay bagay na nilipas na ng panahon.. kalakip ng ating pag-iisa ay sya namang sumisibol ang mga bagay bagay na nagbibigay sa atin ng pangamba at pagaalinlangan.. malakas na ulan na pumapatak sa bubong ng ating bahay..ulan na animo'y musika na umuugoy sa atin sa pagtulog..Pero naiisip nyo ba na kung tayo ay may naririnig na musika na dulot nang pag-ulan paano pa kaya ang ating mga kababayan sa lansangan na pinipilit hinahanapan ng saliw ang bawat ulan na pumapatak sa bubong nila na di ganun katibay, sa bubong nila na tanging gulong lang ang nagpapatibay. mga batang maliliit na natutulog sa mamahaling bubong na gawa sa tulay. tulay na dinadaanan ng mga sasakyan.. kahabag habag ang kanilang kalagayan..marahil iyon ang guhit nang kanilang palad..pero tayo ito masaya at nagliliwaliw sa ulan ..sila OO masaya at nagliliwaliw din sa ulan pero ang saya na dulot sa kanila ng ulan ay agad namang napapalitan ng pangamba at takot... sila ang tunay na tao na di kayang sabayan ang saliw ng tugtuging ULAN.. mga taong nangangamba sa twing umuulan.. mga taong nag-aalala nang kanilang kinabukasan pagkatapos ng ulan..sabi nga nila twing natatapos ang tagulan/ulan ay sya namang sumisibol ang araw upang magbigay nang bagong pag-asa.. pag-asa na matagal na nilang inaantay..pagaantay sa twing matatapos ang malakas na ULAN..
Subscribe to:
Posts (Atom)