Powered By Blogger

Sunday, April 29, 2012

KENDI para sa BATABATUTA






Marami sa mg kabataan ngayon ang gumagamit ng gamot na tinatawag nating ECSTACY. ito ay isang uri ng ipinagbabawal na DROGA sa buong mundo. Maraming klase ang tawag nila dito, maraming kulay at hugis depende sa kompanya na gumagawa nito, walang kinalaman ang KULAY, HUGIS sa klase ng gamot na ito, ginawa lang nilang kawangis o katulad ng pangkaraniwang pills na mabibili sa mga botika. Pareho lang ng epekto ang mga gamot na ito, pareho lang ng sangkap ang nilalaman nito. Ito yung tinatawag natin na MDA and MDMA o 3,4- methylendioxymethamphetamine chemical composition.




Ayun sa pag aaral ko nung ako ay nasa kolehiyo ibat iba ang tawag nila dito may mga brand name din sila. 
 green apples, blue dolphins, mitsubishis, ferraris, calvin kleins, batmans, nikes, motorolas, angel dust, Bacardis, dolphins, doves, E, fantasy, McDonald’s, MDMA, Mitsubishis, pills, pink calis, playboys, pound signs, Rolexes, smurfs, tweety pies, white lightning, purple keys isa lamang yan sa mga kilalang pills o ecstasy na nagkalat sa bansa natin. Sa mga gumagamit nito ang epekto nila ay tamang TAWA. tamang EMO tamang Good Vibes at Bad VIbes, pero iisa lang naman ang epekto nito patuloy nitong sisirain ang ating kaiisipan at katawan hanggang sa malulong at maging ADIK na tayo sa gamot na ito.




Dehydration isa yan sa pangunahing epekto nito sa tao. walang magandang bagay ang nabibigay nito sa ating katawan lalo na sa ating UTAK. Marami akong mga kaibigan na nakausap hinggil sa klase o kung saan nila nabibili ang mga ipinagbabawal na gamot, kadalasan nagkakahalaga ito ng 1000Php pataas depende sa klase ng tama na gusto mo. May mga tao naman na sumusuporta sa gantong uri ng bisyo. Minsan ang temang ginagamit nila dito ay PARTY di ko na sasabihin kong bakit ito ang tawag nila.,may mga kakilala ako at tinanong ko sila kung ano ang nakukuha nla sa oras na gumamit sila nito, isa lang ang sagot nila WALA, wala silang napapala sa pag gamit ng mga drogang mahigpit na ipinagbabawal. wala nga namang magandang epekto ang lahat ng gamot na bawal, patuloy lang nitong sisirain ang ating buhay, patuloy lang nitong uubusin ang mga naipundar natin ang mga bagay na ating pinaghirapan.




Kalat na ang gantong uri ng bisyo sa pilipinas Marami akong kilalang malalaking tao na sumusuporta sa gantong uri na DROGA at yumaman sa gantong bisyo. ako kung gugustuhin kung yumaman  sa gantong paran ay magagwa ko sa pagkat alam namin ang bawat sangkap na inilalagay dito, pero hindi ko maatim na sirain ang buhay ng bawat kabataan at bawat pilipino na alam ko ay may pag asa pa na magbago. Marami akong kakilala na umalis o nagbago na. tinalikuran na nila ang gantong gawain, iwinaksi na nila nag gantong uri ng pamumuhay, uri na nabubuhay sa karangyaan at sa panandaliang kasiyahan.


"Hindi ito KENDI na nabibili sa tindahan, Lalo na Hindi ito gamot na solusyon sa ating masakit na ngipin. ito ay isang droga na hindi matatanggap kailanman ng ating LIPUNAN"






*ang pagkakaiba ng FONT ay aking sinadya upang hindi maihalintulad ng iba. ito ay aking opinyon at hango sa aking pananaliksik.






 











Pages