Ang larawang Ito ay hindi ko pag mamay ari.
Napakahirap sigurong makagisnan na mula pagka bata at hanggang sa iyong pagtanda ay iisang kulay ng mundo ang iyong nakikita. Madilim na paligid, hindi mo alam ang kulay ng bahaghari, hindi mo maikumpara ang puti sa itim, kahit tunog ng paligid ay nagmimistulang itim sa iyong pakiramdam.
Napkahirap siguro ang maglakad sa gitna ng tirik na araw ramdam mo ang init ng paligid, ramdam mo ang nangangalit na liwanag pero sa kabila nito wala ka paring makita. Nangangapa ka parin sa isang napakalaking dilim.
Wlang maganda, panget sa iyong paningin, walang perpekto o walang kulang sa iyong mga nakikita at nararamdaman. walang kulay na maihahalintulad mo sa iyong kasiyahan, kahit bahaghari ay labis mong pinagtatakahan kong makulay nga ba?
Napakahirap mabuhay mag isa sa dilim dahil di mo alam kong nakikita mo ba talaga sya dahil kulay itim o nararamdaman mo sya dahil wala kang makita.
Napakahirap humarap sa gitna ng maraming tao. Di mo alam kung naaawa ba sila o kinukutya ka na pala.
Napakahirap gabayan ang sarili dahil wala kang guhit na sinusundan wala kang hugis na ginuguhit, wala kang tugtog na sasayawin, wala kang titik na aawitin.
Pero sa kabila ng iyong kakulangan sa paningin, mahal ka ng diyos dahil pinaramdam nya sayo amg maging isang mabuting tao. Di mo kasi nakikita ang kasamaan ng mundo, di mo nakikita ang patuloy na pag yabong at pagbaba ng EKONOMIYA, di mo nakikita ang matataas na tao di mo nakikita ang barong-barong na bahay, di mo nakikita ang paparaming karahasan sa paligid mo, hindi mo nakikita ang kasakiman ng mga taong gahaman sa kapangyarihan at naghahariharian sa katungkulan ng iilan. Mapald ka parin sa lahat dahil wala kang nakikitang kahirapan sa iyong paligid.
Mahal ka ng diyos dahil ginawa ka nyang kawangis nya, dahil kayang mong tanggapin ang lahat ng hirap at pasakit sa MUNDO.
Masarap Siguro ang maglakad sa dilim na LIWANAG.