Powered By Blogger

Monday, August 30, 2010

PALA-ISIPAN?

Para tayong isang puzzle na unting unting binubuo.. lumalaki tayo at nagkakaisip hinaharap ang bawat pagsubok sa buhay.. nilalagpasan at pinaglalabanan natin ang bawat sandali na dumadaan sa ating buhay..kahit lumipas ang panahon hinding hindi kailanman tayo mabubuo upang maging isang obra..may isang piraso parin sa ting buhay ang pilit nating hinahanap..piraso ng palaisipan na kahit hanggang sa kamatayan ay di natin mahahanap ang kasagutan.. para tayong isang ibon na pilit kumakawala sa pagkakatali.. ang buhay natin ay isa paring malaking palaisipan sa atin. di natin alam kong hanggang saan ang ating itatagal..

Marami tayong nakikilala upang maging bahagi ng ating buhay sila ang mga taong nagdaragdag ng kulay sa puzzle na kailanman ay hindi natin mabubuo..

May umaalis at may dumarating pero sa bawat kaganapan na yan, sa huli ikaw parin ang maiiwang magisa.. pilit man nating ihambing ang ating sarili sa iba pilit man nating gawing perpekto ang bawat musika na ating naririnig hinding hindi parin natin mabubuo ang tinatawag nating piraso ng ating palaisipan..

Walang nakakaalam kung hanggang saan ang ating babagtasin para makita ang nawawalang puzzle..

sa bawat daan na ating dinaraanan hindi na natin iniisip kung tama o mali ang ating binabaybay dahil sa bawat daan na ating nilalagpasan tayo ay tumitigil upang patirin ang pagod at uhaw na ating nararanasan..

In Every single journey na ating binabaybay dapat ay nagiiwan tayo nang kunting kasamaan upang sa oras na marating natin ang sukdulan may babalikan tayo upang ating i-tama at i-tuwid.. hindi mo kailangang maging perpekto hindi ko rin naman sinasabing magpakasama na tayo.. ang sa akin lang matuto tayong i-tuwid ang mga pagkakamaling ating nagawa..

Ngayon sa ilang kabanata ng ating buhay hindi pa natin nararating ang gitnang kabanata.. di pa natin nabubuksan ang panibagong libro ng ating buhay at kailanman ay hindi na natin maibabahagi sa iba at sa ating sarili, dahil ang bagong kabanatang ito ay pilit parin nating hinahanap at pilit nating gagawin upang mabuksan ang panibagong pahina..

lahat tayo ay maypagkakamali, lahat tayo ay isang alamat na lang pagdating ng panahon isang palaisipan na kailanman ay hindi mabubuo ng kahit sinong henyo.. mananatili lamang itong alamat na bibigyan ng kongklusyon ng makakakuha..tayo ay idang palaisipan..


A missing part of me..

NEXT: The Untold story

Pages