Monday, December 1, 2008
Ang Aking Dapit Hapon
Naranasan mo na ba ang maglaro ng patintero, magtaguan at mgahabulan sa dapit hapon...ang manguha ng mga kabibe sa dalampasigan na humuhupa na ang tubig.. magtampisaw sa dagat habang nagaagaw ang dilim at liwanag..masarap talagang balikan ang pagkabata at isipin ang masasayang karanasan ng kahapon..sabi nga nang isang libro na aking nabasa.."pag ang tao ay naaala ang kanyang kabataan, sya ay hindi na bata"...kung ating babalikan ang ating kahapon at iuugnay mo sya sa kasalukuyan wala talagang tatalo kung ano ang ating naranasan sa kahapon, wala ring tatalo kong ano ang ating natutunan sa nakaraan dahil ang ating nararanasan sa kasalukuyan ay sya lamang ating inuugnay sa nakaraan..ang aking dapit hapon ay ang buhay na aking naranasan...kung gaano kaganda ang dapit hapon sa mat mo ay sya ring kaganda ang buhay na nararanasan mo..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment