Powered By Blogger

Saturday, September 18, 2010

Ano ang salitang LOVE!!

Mahirap magmahal ng taong may minamahal na iba, alam mong bawal pero pinipilit mo pa din na mahalin sya, alam mo na kahit masasaktan ka ginagawa mo parin ang nararapat..Mali man sundin ang puso pero anong magagawa ko kung sya ang tinitibok nito.. di ko naman pedeng ipagbawal ang kanyang pagtibok dahil sa bwat pintig nito pangalan nya ang sinasambit.. mahirap nga ang nakaw na sandali pero masarap ang nakaw na sulyap sa bawat oras na nasa paligid sya..

My heart is beating, my blood is flowing to my vein carrying a name na kailanman ay di mapapasa akin.. LOVE LOST is also a LUST LOVE... madaming definition ang salitang pagibig ang salitang LOVE hindi mo pwedeng tuldukan hindi mo pwedeng tapusin.. LOVE is simply defined as a powerful words.. makapangyarihan ang pag-ibig sagrado ang bawat letrang bumubuo dito.. mahirap tibagin mahirap ipag-bawal.. kahit ilang baitang pa ng hagdan ang aakyatin at hahakbangan mo gagawin mo para mabuo ang salitang LOVE..

Maraming klase ng pag ibig.. may pag ibig na bawal meron namang legal merong masarap merong mapait at meron ding matamis.. ang LOVE ay maikukumpara natin sa ating panlasa depende sa luto depende kung paano mo nalasahan ang magmahal.. mapait, maasim o mapakla..

Kung bibigyan kita ng isang pares ng puso kanino mo ibibigay ang kabiyak nito.. Sa magulang mo, Kapatid mo, sa kaibigan mo o sa taong minamahal mo.. madaling pumili para sa mga taong bulag sa salitang LOVE madali para sa mga tao na puso ang ginagamit, pero napakahirap pumili para sa mga taong balanse kung gamitin ang PUSO at ISIPAN..

LOVE? mahirap ipaliwanag mahirap sagutin..
LOVE? naranasan mo na ba ang magmahal at mahalin..
LOVE? mamatay ka na di mo nabubuo ang kahulagan ng PAG IBIG..

LOVE can KILL!!!

No comments:

Pages