Powered By Blogger

Monday, November 8, 2010

Cross na daan ang OROSA - NAKPIL

Isang “cross” na lansangan na napupuno ng maraming tao. May roong bata, matanda, nagpupumulit maging bata at may mga sumusubok maging matanda. May mga malalaki ang katawan meron din namang katamtaman meron ding pinipilit paliitin ang katawan. May nakikibagay, may nakikisama at may pilit makibagay. May kulot may unat maroon ding may kulay may kalbo at meron din namang wala na sa uso ang buhok. May maporma, may simple may baduy at may mga taong pilit na pilit ang pagsuot ng damit na sa sobrang sikip ay din a makahinga. May lalake may babae may bakla may tomboy at mga namimilit o pilit na pilit maging lalake.

Yan ang napansin ko sa “ cross” Na daan na kung tawagin nila ay OROSA-NAKPIL na matatagpuan sa pusod ng malate manila. Pero isang bagay ang hindi mo mapapansin sa tumpok ng mga tao, di mo mapapansin sa akanila kong sino kinabukasan ang mag uulam ng “lucky me” dahil na rin sa maluho nilang pamumuhay. Lahat Masaya at nakikisaya sa bawat indak ng mga makabagong musika. Doon mo makikita ang mga taong itinatago ang kalungkutan sa kanilang buhay.

Sa twing nagagwi ako sa mga ganung klaseng lugar, naaaliw ako sa aking mga nakikita may mga tao kasi doon na wala na sa hulog ang sayaw pero pilit paring ipinapasok o pinagsisiksikan na ang kanilang “step” ay uso pa sa panahon na kanilang pinakikibagayan.

May mga bakla na agaw ekse na ang suot, “34”39”34 yan ang waist line nya pero ang suot jusme “Oshkosh bigosh “ na ata na halos kunting galaw lang ay matatastas na ang sinulid.

Meron din namang mga tao na halos isang oras na ang hawak nilang “beer”, mat lumot na ata pero ayaw pang ubusin at kung lalapitan at tatanungin mo lasing na daw sila.

Meron din namang mga tao na lalapitan ka at makikipagkaibigan. Meron din namang mga tao na sadyang pamasahe lang dala at nagbabaka sakali na malasing sila. Meron ka ding makikita na iba ang kasama sa pagpunta at sa paguwi iba na rin ang kasama. Meron ding Masaya at may karelasyon ng pumunta at sa pagtapos ng saya uuwi syang magisa.

Yan ang Masaya, magulo at nakakaaliw na postura ng CROSS na daan sa gabi. Bibibihisan ng ibat ibang uri ng tao, hinuhubaran ng mga makabagong musika, pinapakinang ng ibat ibang pag uugali na iyong makikita. Ang OROSA-NAKPIL na pilit itinatago ang taglay niyang sekreto.

Sa paglipas ng panahon magbago man ang saliw ng tugtog mananatili parin itong “aparador” sa mga taong pilit itinatago ang kanilang tunay na buhay sa umaga..

KAHEL

No comments:

Pages