Powered By Blogger

Saturday, April 28, 2012

October 4, 2010

Minsan talaga ang hanggan ng isang bagay ay dumarating ng di mo inaasahan, dumarating ng di mo nararamdaman. May mga bagay na kahit anong ingat ang gawiin mo at kahit anong pagpapahalaga ang iparamdam ay mawawala parin sayo. Walang bagay na tumatagal ng hindi mo hustong pinapahalagahan, walang simula na hindi dumarating sa katapusan. Sa bawat pagtatapos o pagwawakas ng isang kwento ay may isang simula rin na magbubukas mga bagong kabanata na aabangan at mga bagong karanasan na kapupulutan ng mga bagong aral sa buhay. Mag sisimula uliut sa maganda at magtatapos sa isang luha at pait.


Mararanasan natin ang mahalin at magmahal, mararanasan natin ang mga bagay na di na natin inaakalang magagawa natin. Darating ang araw na ngingiti tayo kahit nasasaktan na. Darating ang panahon at isang pagkakataon na masasaktan ng lubusan.

Hindi mo maikukubli ang bawat ngiti na may kasamang pait. Di mo maitatago ang pait na iyong nararamdaman sa tuwing masasaktan at nasasaktan ka. Wala kang magagawa sa mga pakiramdam na yan wala kang maitatago sa mga taong nag aalala sayo..


Pag nag mahal ka dapat handa kang tanggapin ang kapalit nito. pag nasaktan ka dapat alam mo ang kaakibat ng sakit na ito. Darating tayo sa punto na mapapagod at darating tayo sa sukdulan na nakakasawa rin ang magmahal. Pero hindi mo mapipigilan ang puso na magmahal hindi mo rin ito kayang pigilan upang hindi masaktan. Wala kang takas sa kapangyarihan ng pag-ibig. Masasaktan ka at masasaktan kapag nagmahal ka ng lubusan.

Pwede kang lumuha kahit ilang balde pa yan.. pwede kang sumigaw hanggang sa mapaos o mawalan ka nang bose na isisigaw, pero ang wag na wag mong gagawin ay bawiin o kitilin ang mahalaga mong buhay. Akala natin minsan pag nasaktan tayo Eh katapusan na, akala natin na pag lumuha tayo eh sapat na yun ang akala natin, dahil ang hindi natin alam umpisa pa lang yan ng magiging panibago mong pakikipagsapalaran.

Tanggapin na lang natin ang mga bagay na nangyayari dahil lahat ng iyan ay may magandang dahilan at ang lahat ng iyan ay mga magagandang bagay na ilalaan sa atin.

No comments:

Pages