Kung ang panahon noon ay katulad ng sa ngayon siguro malakas parin at matapang ako kahit nasasaktan na ng todo. Pero bakit may mga taong sadyang darating sa buhay natin upang baguhin lahat ng nakasanayan mo may mga taong biglang magpapa alala sayo ng may parte ka rin ng sarili mo na mahina at marupok.
Dati ganto ako lahat ng mga bagay ng nangyayari sa akin masaya man yan o malungkot eh nasusulat ko dito sa BLOG ko. hindi kasi ako sanay na sabihin sa mga tao ang tunay kong nararamdaman, hindi ako sanay na umuiiyak sa harapan nila at nag mamakaawang kawaan din ako dahil sa aking kahinaang nararamdaman. patas nga talaga ang DYOS hindi lahat ng good karma ay iibigay sayo at hindi lahat ng bad karama ay ibibigay nya ng isang bagsakan. ang iba sa kanila ay unti unting ipaparamdam sayo upang ipa alala lahat ng kamaliaan at kasalanan na nagawa mo nung oras na hindi mo sya naaalala.
Parang gustong maupos na parang kandila, gusto kung matunaw na parang yelo upang di ko na maramdaman yung mga sakit na mararamdaman ko pa. Gusto kong maging bato ang puso ko para wala akong maramdamang sakit, pero ayoko namang maging manhid sa mga taong nasa paligid ko. Minsan nararanasan talaga natin ang mahalin tayo ng isang tao na ibibigay ang lahat pero hindi natin mabigay ang kailangan nila. Pero darating ang panahon na maiibigay na natin ang lahat sa kanya pero sya hindi na kayang tanggapin kong ano ang maiibibigay mo pa.
Kahit ang sikat ng araw nagyon ay mainit ang pagsasama naman natin ay mas malamig pa sa yelo na nakapaloob sa isang malaking planta na pagawaan nito. Hindi ko laam kong ano ang mga huling kassalanan na nagwa ko at ganun na lang kabilis ang mga naging desisyon mo sa buhay. hindi ko alam kong ano pang mga plano ang binabalak mo para masaktan ako nang higit pa sa sakit na nararamdamn ko pag nasisigawan at napapagalitan ng mga magulang ko.
Natuto akong magisa sa buhay kasi naniniwala ako na may mga tao akong makikilala upang makasama. mahal ko ang pamilya ko kahit ano pa ang gawin nila sa akin pero may mga tao rin naman akong pinipili para mahalin ko.
Sa ngayon OO hindi ko kaya pero darating din ang panahon na makakaya ko to at darating din ang araw na makikita mo akong masaya sa harap ng maraming tao makikita mo akong nakangiti ulit at maririnig mo ulit yung mga biro ko na pagtatawanana ng lahat. Ako Si kahel at ito Hindi ito ang buhay na kinalakhan ko.
No comments:
Post a Comment