Powered By Blogger

Monday, November 8, 2010

Cross na daan ang OROSA - NAKPIL

Isang “cross” na lansangan na napupuno ng maraming tao. May roong bata, matanda, nagpupumulit maging bata at may mga sumusubok maging matanda. May mga malalaki ang katawan meron din namang katamtaman meron ding pinipilit paliitin ang katawan. May nakikibagay, may nakikisama at may pilit makibagay. May kulot may unat maroon ding may kulay may kalbo at meron din namang wala na sa uso ang buhok. May maporma, may simple may baduy at may mga taong pilit na pilit ang pagsuot ng damit na sa sobrang sikip ay din a makahinga. May lalake may babae may bakla may tomboy at mga namimilit o pilit na pilit maging lalake.

Yan ang napansin ko sa “ cross” Na daan na kung tawagin nila ay OROSA-NAKPIL na matatagpuan sa pusod ng malate manila. Pero isang bagay ang hindi mo mapapansin sa tumpok ng mga tao, di mo mapapansin sa akanila kong sino kinabukasan ang mag uulam ng “lucky me” dahil na rin sa maluho nilang pamumuhay. Lahat Masaya at nakikisaya sa bawat indak ng mga makabagong musika. Doon mo makikita ang mga taong itinatago ang kalungkutan sa kanilang buhay.

Sa twing nagagwi ako sa mga ganung klaseng lugar, naaaliw ako sa aking mga nakikita may mga tao kasi doon na wala na sa hulog ang sayaw pero pilit paring ipinapasok o pinagsisiksikan na ang kanilang “step” ay uso pa sa panahon na kanilang pinakikibagayan.

May mga bakla na agaw ekse na ang suot, “34”39”34 yan ang waist line nya pero ang suot jusme “Oshkosh bigosh “ na ata na halos kunting galaw lang ay matatastas na ang sinulid.

Meron din namang mga tao na halos isang oras na ang hawak nilang “beer”, mat lumot na ata pero ayaw pang ubusin at kung lalapitan at tatanungin mo lasing na daw sila.

Meron din namang mga tao na lalapitan ka at makikipagkaibigan. Meron din namang mga tao na sadyang pamasahe lang dala at nagbabaka sakali na malasing sila. Meron ka ding makikita na iba ang kasama sa pagpunta at sa paguwi iba na rin ang kasama. Meron ding Masaya at may karelasyon ng pumunta at sa pagtapos ng saya uuwi syang magisa.

Yan ang Masaya, magulo at nakakaaliw na postura ng CROSS na daan sa gabi. Bibibihisan ng ibat ibang uri ng tao, hinuhubaran ng mga makabagong musika, pinapakinang ng ibat ibang pag uugali na iyong makikita. Ang OROSA-NAKPIL na pilit itinatago ang taglay niyang sekreto.

Sa paglipas ng panahon magbago man ang saliw ng tugtog mananatili parin itong “aparador” sa mga taong pilit itinatago ang kanilang tunay na buhay sa umaga..

KAHEL

Wednesday, September 22, 2010

Dear Nanay at Tatay

Sana sa pag basa nyo ng sulat na ito ay nasa mabuti kayong kalagayan at kung ako naman ang tatanungin nyo ay maayos naman ako sa aking kinalalagyan.
(ito ang madalas na laman na sulat nila pagsumusulat sa amin)

kamusta na po kayo, ako ito ok naman malusog at kahit papano ay masaya, gusto kung magpasalamat sa inyo dahil binigyan nyo ako ng buhay pinalaki at iginapang ang aking pagaaral. ito ko man kayo mapagmalaki bilang isang perpektong magulang maiisisigaw ko naman na maswerte ako at kayo ang aking naging ama at ina, wala man tayong perpektong pamilya pero pinipilit parin natin maging perpekto sa mata ng mga taong maopanghusga. Hindi ako perpektong anak, hindi ako perpektong tao pero pinapakita ko sa inyo na ang pagiging perpekto ay hindi lamang sa pagiging tao o pagiging anak pinapakita ko naperpekto ako dahil buo ang pagkatao ko ng mahalin at alagaan nyo ako,.

naalala kopa sa mga letrato na nakikita ko na kung pano kayo naging gabay sa aking paglalakad nakikita ko na kahit ngayong malaki na ako ay ginagabayan nyo parin ako sa bawat landas na aking tinatahak.. bilang anak nyo po hindi ko man magawang maging mabuti pero ipapakita ko na ang anak ay dapat may pagmamahal sa mga magulang..

tay, nay sa kabila ng pagiging matigas ng aking ulo ay hindi nyo parin ako pinababayaan..
tanda ko pa nung bata ako kung paano nyo kami pakainin tanda ko pa kung pano nyo kami mahalin.. pero may mga oras talaga na hindi nyo kayang ibigay sa amin, Nay hindi man ikaw ang unang nagturo sa akin ng ABAKADA hindi man ikaw ang unang nagturo sa akin na bumasa, hindi man ikaw ang unang nagturo sa akin ISULAT ang buong pangalan ko, hindi man ikaw ang unang nagturo sa akin humawak ng lapis pero nay ikaw naman ang unang nagturo sa amin kung paano isara at isarado ang aming mga kamay.. dahil sa itinuro mo natutunan naming panghawakan ang pagmamahal nyo at kailanman ay hindi namin pwedeng bitiwan..

Tay, tanda ko pa kung pano kayo kumayod para magkaroon kami ng makakain, ginampanan mo talaga ang pagiging haligi ng tahanan. hindi man ikaw ang nagturo sa aming maging matatag, hindi man ikaw ang nagturo sa aming maging matibay pero ikaw naman ang nagturo sa amin kung pano mahalin ang pamilyang meron tayo ngayon.

Tatay, Nanay, salamat sa lahat salamat at kayo ang naging magulang namin. dumating nga tayo sa punto na naghiwalay ang pamilya pero ito tayo buo at patuloy na lumalaban..


Sana sa Oras na dumating ang inyong dapit hapon, hayaan nyo ipinapangako ko na kung ano ang mga itinanim nyong turo sa amin ay ipapakita ko na may maganda kayong aanihin..

Kung dumating man ang inyong katandaan at hindi na makalakad hayaan nyo ako ang inyong magiging saklay at paa patungo sa inyong pupuntahan, ibabalik ko ang araw na tinuruan nyo akong maglakad..

kung dumating man ang oras na hindi na kayo makaaninag, hayaan nyo po ako ang inyong magiging mata upang ipakita ang ganda ng ating kapaligiran, gagayahin ko at ipadarama kung anong turo nyo sa amin nung kami ay sanggol palang..

Nay tay, ako ang inyong magiging kamay sa laht ng mga bagay na di nyo na kayang maabot.. NAy Tay kami naman po..


SALAMAT at MAHAL namin akayo di man namin masabi pero alam namin na ramdam nyo..tnx po..

Saturday, September 18, 2010

Ano ang salitang LOVE!!

Mahirap magmahal ng taong may minamahal na iba, alam mong bawal pero pinipilit mo pa din na mahalin sya, alam mo na kahit masasaktan ka ginagawa mo parin ang nararapat..Mali man sundin ang puso pero anong magagawa ko kung sya ang tinitibok nito.. di ko naman pedeng ipagbawal ang kanyang pagtibok dahil sa bwat pintig nito pangalan nya ang sinasambit.. mahirap nga ang nakaw na sandali pero masarap ang nakaw na sulyap sa bawat oras na nasa paligid sya..

My heart is beating, my blood is flowing to my vein carrying a name na kailanman ay di mapapasa akin.. LOVE LOST is also a LUST LOVE... madaming definition ang salitang pagibig ang salitang LOVE hindi mo pwedeng tuldukan hindi mo pwedeng tapusin.. LOVE is simply defined as a powerful words.. makapangyarihan ang pag-ibig sagrado ang bawat letrang bumubuo dito.. mahirap tibagin mahirap ipag-bawal.. kahit ilang baitang pa ng hagdan ang aakyatin at hahakbangan mo gagawin mo para mabuo ang salitang LOVE..

Maraming klase ng pag ibig.. may pag ibig na bawal meron namang legal merong masarap merong mapait at meron ding matamis.. ang LOVE ay maikukumpara natin sa ating panlasa depende sa luto depende kung paano mo nalasahan ang magmahal.. mapait, maasim o mapakla..

Kung bibigyan kita ng isang pares ng puso kanino mo ibibigay ang kabiyak nito.. Sa magulang mo, Kapatid mo, sa kaibigan mo o sa taong minamahal mo.. madaling pumili para sa mga taong bulag sa salitang LOVE madali para sa mga tao na puso ang ginagamit, pero napakahirap pumili para sa mga taong balanse kung gamitin ang PUSO at ISIPAN..

LOVE? mahirap ipaliwanag mahirap sagutin..
LOVE? naranasan mo na ba ang magmahal at mahalin..
LOVE? mamatay ka na di mo nabubuo ang kahulagan ng PAG IBIG..

LOVE can KILL!!!

SHOW me YOUR "X" the FINALS: hosted by: Paula Piodena

September 17, 201o idinaos ang isang matagumpay na singing contest of the year, Sa pangunguna nang EXCLUSIVE clan at sa pakikipagtulangan ng CENTER for POP MUSIC PHIL.

Ang nasabing patimpalak na ito ay binigyan ng paghahanda sa loob ng ilang buwan. pagod , pawis at pera ang tanging naging kontribusyon ng bwat isa. pibnakita din ng samahang EXCLUSIVE ang pagkakaisa at tulungan kung saan sila hinangaan ng iba pang "CLAN" sa buong metro manila.

Marami ang naganap nang gabing iyon marami ang nagbahagi ng kani-kanilang talento, ang mga kalahok sa singing contest ay kapwa magagaling dahil sila ang nakapasok sa TOP 20 out of 40 noong SEMI FINALS. ang mga naging hurado ay kapwa may pangalan sa larangan ng musika.
nung gabi din na yun ay ipinakita ng EXCLUSIVE ang mga ganda, talento at pagkakaisa, ipinakita nila ito sa harap ng mga CLAN na nagpartisipa sa nasabing okasyon.

Tinanghal na pangkalahatang kampyon si JASPHER SUAZO ng MADRIGAL BI BEAUTIES sa kanyang kantang I BELIEVE I CAN FLY. 2nd placer si REDMOND LAT ng HBOX NATION, 1st placer naman si JAMES SALAZAR ng ONE BACARDI.

Sa kabila nito ay lubos pong nagpapasalamat ang buong TATAK EKSLUSIBO sa mga taong tumulong sa aming event at lalo po kaming nagpapasalamat sa lahat ng participated clan sa METRO MANILA.


Marami pong SALAMAT sa unang taon ng SHOW ME YOUR X..

Monday, August 30, 2010

PALA-ISIPAN?

Para tayong isang puzzle na unting unting binubuo.. lumalaki tayo at nagkakaisip hinaharap ang bawat pagsubok sa buhay.. nilalagpasan at pinaglalabanan natin ang bawat sandali na dumadaan sa ating buhay..kahit lumipas ang panahon hinding hindi kailanman tayo mabubuo upang maging isang obra..may isang piraso parin sa ting buhay ang pilit nating hinahanap..piraso ng palaisipan na kahit hanggang sa kamatayan ay di natin mahahanap ang kasagutan.. para tayong isang ibon na pilit kumakawala sa pagkakatali.. ang buhay natin ay isa paring malaking palaisipan sa atin. di natin alam kong hanggang saan ang ating itatagal..

Marami tayong nakikilala upang maging bahagi ng ating buhay sila ang mga taong nagdaragdag ng kulay sa puzzle na kailanman ay hindi natin mabubuo..

May umaalis at may dumarating pero sa bawat kaganapan na yan, sa huli ikaw parin ang maiiwang magisa.. pilit man nating ihambing ang ating sarili sa iba pilit man nating gawing perpekto ang bawat musika na ating naririnig hinding hindi parin natin mabubuo ang tinatawag nating piraso ng ating palaisipan..

Walang nakakaalam kung hanggang saan ang ating babagtasin para makita ang nawawalang puzzle..

sa bawat daan na ating dinaraanan hindi na natin iniisip kung tama o mali ang ating binabaybay dahil sa bawat daan na ating nilalagpasan tayo ay tumitigil upang patirin ang pagod at uhaw na ating nararanasan..

In Every single journey na ating binabaybay dapat ay nagiiwan tayo nang kunting kasamaan upang sa oras na marating natin ang sukdulan may babalikan tayo upang ating i-tama at i-tuwid.. hindi mo kailangang maging perpekto hindi ko rin naman sinasabing magpakasama na tayo.. ang sa akin lang matuto tayong i-tuwid ang mga pagkakamaling ating nagawa..

Ngayon sa ilang kabanata ng ating buhay hindi pa natin nararating ang gitnang kabanata.. di pa natin nabubuksan ang panibagong libro ng ating buhay at kailanman ay hindi na natin maibabahagi sa iba at sa ating sarili, dahil ang bagong kabanatang ito ay pilit parin nating hinahanap at pilit nating gagawin upang mabuksan ang panibagong pahina..

lahat tayo ay maypagkakamali, lahat tayo ay isang alamat na lang pagdating ng panahon isang palaisipan na kailanman ay hindi mabubuo ng kahit sinong henyo.. mananatili lamang itong alamat na bibigyan ng kongklusyon ng makakakuha..tayo ay idang palaisipan..


A missing part of me..

NEXT: The Untold story

Saturday, August 28, 2010


Talaga nga naman na ang buhay natin ay sadyang hiram lang.. kaya habang nabubuhay tayo gawin na nating kasiya siya at kapakipakinabang ang ating mga sarili.. sabi mga na nila na ang buhay ay isang malaking bilog may simula at may katapusan pero magsisimula ulit nang panibagong buhay at sa pagsimula nun, di na natin makikita ang katapusan.

Maraming bagay dito sa mundo na sadyang hiram lang at pinahiram sa atin kayang habang nasa atin pa ay pahalagahan at mahalin natin.. dahil ang pagsisi ay laging nasa huli..

simple lang ang gusto kung ipahatid sa inyo mahalin natin ang ating kapwa at pamilya kahit alam na natin na di tayo perpekto pero pilitin nating magpakatotoo..

walang saysay ang bawwat katagang MAHAL KITA kung sa huli na lang natin masasabi ang mga salitang ito kung tanging patay na tenga ang makakarinig nito at tanging pusong napagod ang makakaramdam ng mga sinasabi mo..


Ang bilog ay may simula at katapusan na kahit anong pilit nating gawin upang hanapin kung saan ay sadyang di natin makikita.. ang bilog ay may simula at katapusan at sa katapusan na iyon ay guguhit ulit tayo ng panibagong simula upang ipagpatuloy ang salitang BILOG..

Sunday, July 11, 2010

Tag - ulan

Marami sa atin ang may mga magagandang karanasan sa twing umuulan.. ngayon nga panahon na naman ng pinakamalamig at panakamalungkot na panahon sa ating bansa, ito ay ang tag ulan.. marami sa atin ang nakaranas ng di magagandang bagay twing umuulan.. andyan ang mga taong nakaranas ng pagbaha..nilubog ang iilang mga ari arian.. isa lamang siguro yan sa mga di magagandang karanasan na ating nararanasan twing sasapit ang TAG ULAN.. pero sa likod ng mga kalungkutang ito ay may magandang dulot naman ang pagulan sa atin.. ako sa twing umuulan marami akong na-aalalang mga bagay..mga bagay na parang LOVE story na gumuguhit sa aking malikot na kaisipan.. malamig na panahon na nanunuot sa aking mga kalamnan.. malamig na panahon na animo'y naghahanap tayo ng maiinit na katawan.. maiinit na bagay na dadampi sa ating nanlalamig na katawan.. sa twing sasapit ang TAG ULAN may mga bagay din ang nagbibigay sa akin ng kalungkutan..mga alaala na dulot ng ulan.. kasabay ng madilim na kapaligiran ay pumapasok din sa aking isipan ang mga panahon na aking naranasan sa gitna ng ulan.. naaalala natin ang mga bagay bagay na nilipas na ng panahon.. kalakip ng ating pag-iisa ay sya namang sumisibol ang mga bagay bagay na nagbibigay sa atin ng pangamba at pagaalinlangan.. malakas na ulan na pumapatak sa bubong ng ating bahay..ulan na animo'y musika na umuugoy sa atin sa pagtulog..Pero naiisip nyo ba na kung tayo ay may naririnig na musika na dulot nang pag-ulan paano pa kaya ang ating mga kababayan sa lansangan na pinipilit hinahanapan ng saliw ang bawat ulan na pumapatak sa bubong nila na di ganun katibay, sa bubong nila na tanging gulong lang ang nagpapatibay. mga batang maliliit na natutulog sa mamahaling bubong na gawa sa tulay. tulay na dinadaanan ng mga sasakyan.. kahabag habag ang kanilang kalagayan..marahil iyon ang guhit nang kanilang palad..pero tayo ito masaya at nagliliwaliw sa ulan ..sila OO masaya at nagliliwaliw din sa ulan pero ang saya na dulot sa kanila ng ulan ay agad namang napapalitan ng pangamba at takot... sila ang tunay na tao na di kayang sabayan ang saliw ng tugtuging ULAN.. mga taong nangangamba sa twing umuulan.. mga taong nag-aalala nang kanilang kinabukasan pagkatapos ng ulan..sabi nga nila twing natatapos ang tagulan/ulan ay sya namang sumisibol ang araw upang magbigay nang bagong pag-asa.. pag-asa na matagal na nilang inaantay..pagaantay sa twing matatapos ang malakas na ULAN..

Sunday, May 23, 2010

BALIK TANAW

Pasukan na naman ng mga STUPIDYANTE.. nakaktuwa pag naaalala ko nung bata ako..lahat kasi bago..UNIFORM,BAG, NOTEBOOK, KRAYOLA, LAPIS ETC.. lahat amoy pabrika..sarap amoyin hehehe... inspired pa tayo pumasok nun dahil excited nating gamitin yung mga gamit natin... gigising pa tayo ng maaga para makagpahanda na.. excited din tayo makita ang mga bagong mukha ng ating magiging classmate pati narin ang ating magiging adviser...naalala ko pa noon ELEMENTARY pa lang, pagandahan ng name plate, palakihan at iba iba pa ang desenyo... di kalaunan pag nakalahati na natin ang pagpasok dun na tayo nakakaramdam ng pagkabagot kasabay sa paglaho ng amoy pabrikang mga gamit sa edkwela..

masarap talagang balikan ang pagkabata ang mga kapilyuhang hatid mo sa iyong mga ka eskwela..pero sadyang alaala nalang sila ng kahapon na animoy nagmamadali kang tumanda..


marami akong karanasan noon kasi nagaral ako sa pampublikong paaralan ..lahat nang klase ng kalokohan natutunan ko..pero syempre bahagi lang yun ng pagkabata natin.. ngayon isang masayang alaala na lang sya na maibabahagi natin sa ating mga kaibigan, alaala na nagparating sa atin kung ano tayo ngayon..


salamat..

Thursday, February 25, 2010

WHAT IS HIV?

HIV is a virus. Viruses such as HIV cannot grow or reproduce on their own, they need to infect the cells of a living organism in order to replicate (make new copies of themselves). The human immune system usually finds and kills viruses fairly quickly, but HIV attacks the immune system itself – the very thing that would normally get rid of a virus.

With around 2.7 million people becoming infected with HIV in 2008, there are now an estimated 33 million people around the world who are living with HIV, including millions who have developed AIDS.

ANO ANG KONEKSYON NITO SA AIDS?

Ang HIV ( human immunodefeciency virus ) ay nag cacause lamang nang AIDS tinatarget nito ang ating immune system at pinapahina..kung saan sinisira nya ang lahat ng depensa para sa ating kalusugan.. kung saan hindi na makakalaban ang ating katawan sa mga inpeksyon na makukuha natin..

It takes around ten years on average for someone with HIV to develop AIDS. However, this average is based on the person with HIV having a reasonable diet, and someone who is malnourished may well progress from HIV to AIDS more rapidly.

HIV is found in the blood and the sexual fluids of an infected person, and in the breast milk of an infected woman. HIV transmission occurs when a sufficient quantity of these fluids get into someone else's bloodstream.

HOW IS HIV PASSED ON?

There are various ways a person can become infected with HIV:

* Unprotected sexual intercourse with an infected person: Sexual intercourse without a condom carries the risk of HIV infection.
* Contact with an infected person's blood: If sufficient blood from somebody who has HIV enters someone else's body, then HIV can be passed on in the blood.
* Use of infected blood products: Many people in the past have been infected with HIV by the use of blood transfusions and blood products which were contaminated with the virus. In much of the world this is no longer a significant risk, as blood donations are routinely tested for HIV.
* Injecting drugs: HIV can be passed on when injecting equipment that has been used by an infected person is then used by someone else. In many parts of the world, often because it is illegal to possess them, injecting equipment or works are shared.
* From mother to child: HIV can be transmitted from an infected woman to her baby during pregnancy, delivery and breastfeeding.

Certain groups of people, such as injecting drug users, sex workers, prisoners, and men who have sex with men have been particularly affected by HIV. However, HIV can infect anybody, and everyone needs to know how they can and can’t become infected with HIV.


maaari nating maiwasan ang lahat nang ito kung patuloy tayo sa pagsunod.. paalala lang po ang HIV ay hindi nakakmayay ngunit ito ay nakakahawa at maaaring madevelope tru AIDS kaya habang maaga ay pangalagaan natin ang atinbg kalusugan.. lahat tayo pwedeng magkaroon,,..

SOURCE:
AVERT
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY
college of Medical Technology

( HIGH SCHOOL REUNION ) love can KILL..!!!

Saya nang barkadahan namin nung high school..may tawanan, asaran at syempre ang inuman.. twing magkakarooon kami ng mga time para makapag bonding ginagawa namin..hehehehe..eventually matagal tagal na din kami di nagkikita at nagkakasama..cguro mula nung 2003 eh madalang na lang kami nagkikita dahil may mga kanya kanyang buhay narin kami pagpasok at paglabas nang koleheyo...pero still pag may mga oras kami ay di namin kinakalimutang magkita-kita..masaya nga ang high school life.. yung iba sa amin nakapag abroad na at ang iba naman ay may mga asawa't anak na,ang iba may matino at stable ng trabaho habang ang iba sa amin katulad ko ay inaanatay parin ang kapalarang darating para sa amin.. FEBUARY 24, 2010 nang magkita kita uli kaming magbabarkada.. masaya at akala mo'y walang nagbago sa amin nandun parin ang pagiging isip bata namin lalo na ako...namiss nila ang aming "hyme" nun na dancing queen puro hamming na may pang-aasar..nakakatuwa nga namang balikan ang nakaraan..hehehehe ayun nga sa kabila nang saya na aming narmdama, ganun din naman lumuluha ang mga puso namin..dahil kahit papano ay nabuo nga kami pero sa isang LAMAY nang aming BARKADA na nagbigti dahil sa pagibig..nakakalungkot dahil nakumpleto nga kami pero sa malungkot na panahon.. nakumpleto kami sa isang sitwasyon na hindi namin maintindihan kung papaano nangyari...masaya kami pero hindi mo makikita ang tunay na maskara ng kasiyahan dahil ang aming barkada na matagal na naming di nakikita ay nakita namin muli pero hindi na namin maramdaman ang tunay na sya dahil nahimlay na sya sa paraiso at sa buhay na hindi natin alam kong anung meron dun..nauna na sya sa aming tagpuan..naniniwala ako na balang araw at alam kong darating yun na magkakaroon kami muli ng HIGH SCHOOL reunion kapiling sya alam nyo na yun kung saan.. nauna lang talaga sya para ayusin ang lahat...ACE DY MANALO mahal ka namin at alam kung mahal mo din kami salamat sa ilang taong pagkakaibigan alam kong masaya kana dyan sa piling nang ating manlilikha..SALAMAT kaibigan at patawad sa kakulitang pinakita ko nang kasama ka pa namin..FEB 25, 2010.. inihatid na namin sya sa kanyang huling hantungan..wala kang makikitang luha na pumatak sa mata namin..dahil alam ko na ayaw na aywa nyang kakaawan sya gaya nang kanyang huliung TEXT sa pamilya nya na hwag silang magalala dahil masaya daw sya..

Tuesday, February 23, 2010

WASAK!!!

Naku ilang beses na ba tayong nagmahal...siguro lahat naman tayo nakaranas na diba..nagmahal nang totoo at nasaktan nadin ng todo...pero nagmamahal parin tayo.. masarap kasi nang nabubuhay ka dahil sa isang tao db? masarap nang may pinaghahatian ka ng bawat oras na ginagawa mo... may pinaglalaanan sa bawat pawis na tumatagaktak sayo.. pero sa kabila nito hindi nating maiiwasang masaktan..di natin maiiwasang lumuha...nagkakaroon tayo nang mga pagkakamaling hindi natin alam minsan kong papaano natin nagawa...kaya nga ang lagi kong sinasabi " magmahal tayo nang walang inaantay na kapalit..magmahal tayo na hindi nating inaantay na mahalin din tayo"... OO alam ko na parang katangahan yung sinasabi ko pero..tama at totoo yan hindi naman kasi tayo magmamahal; ng taong gagamitin lang nating panyo sa twing luymuluha tayo.. magmahal tayo nang taong hindi man tayo mahal ngayon pero kaya namang akapin ang pagkatao mo..magmahal tayo ng taong alam natin na di tayo iiwan..di tayo sasaktan at di tayo pababayaan..PANO? simple lang mahalin mo ang sarili mo bago ka magmahal nang iba..Mas simple wag mong ibigay ang bagay na wala sayo..Pinaka simple..magmahal ka ng totoo kahit alam mong nasasaktan ka na..hahahaha nakakalito diba pero ito lang masasabi ko wag na wag kang matatakot magmahal..dahil ang puso mo hindi tumitigil sa pagtibok yan..hindi yan natatakot magmahal..tanging isipan lang natin ang namimili nang mamahalin..pero ang puso kahit sino pa kaharap mo tumitibok parin sya.... share your love not once but two....hahahaha GODBLESS PIPS!!!!

Pages